Sa kanyang laban, lahat nakatutok sa laban. nagkakaisa ang lahat magkaiba man ng paniniwala.
nagdarasal ang lahat. ang iba ay kinakabhan na animo'y siya ang sasagupa sa ring.
ang iba ay nagbibigay ng moral support sa pambansang kamao at yung iba ay tumutungo sa ibang bansa para mapanood ng live ang laban. suporta sa isip, sa salita, at sa gawa.
Sa loob ng sinehan, basketball court, sa loob ng bahay o kung saan kayo naguumpukan sa panonood ng laban. Kahit hindi kayo magkakakilala, tuwing nakakatama si pacquiao sa kalaban, sabay kayong napapahiyaw na parang kayo ang nakasuntok. nasasaktan dinkung si Manny naman ang nabanatan.
Ang sarap pala ng pakiramdam na lahat tayo ay nagkakaisa.
Hindi lang mga puso ng pinoy ang nabihag ni manny pacquiao. buong mundo, mga kilalang tao ay sumusuporta sa ating pambansang kamao. Heto ang Ilan sa Kanila
Si Ronda "Rowdy"Rousey (Undefeated UFC Women Bantamweight Champion and Olympic Bronze Medalist)
http://www.thefightlounge.co.uk/ news/ronda-rousey-will-star-in-expendables-3-movie/ |
"It's a very close fight-- but if Manny doesn't just jump in and uses his speed and relentless pressure, he's going to give Floyd a very hard time,"
Agad namang kinuwestiyon ni Stephen A. Smith (Isang Mayweather Fan) si Rousey at tinaong niya ng ganito.
"What exactly do you mean Ms. Ronda Rousey by giving Floyd a hard time?" Smith demanded, after citing her friendship with Pacquiao. "Are you trying to say that Manny will win by decision, or by a knockout, or by something as quick as what you deliver from time to time?
kilalang kaibigan ni Rousey si Pacquiao. hinala ni Smith na ang opinyon ni Ronda Rousey ay base lang sa emosyon. agad namang sinoplak siya ng babaeng palaban.
"Well since I'm an actual fighter and not just someone who talks about it, I know what I'm talking about!" pasaring pa niya.
"I can't say for sure exactly what will happen, but I know he presents some very unique problems Floyd hasn't dealt with yet."
ganun paman, aminado naman si rousey na mahihirapan si Pacquiao dahil sa asintadong si Mayweather.
"very, very close fight".
Si Rousey ay tutungo rin sa MGM Grand Hotel and Casino sa Las Vegas upang manood ng laban.
Stephen Curry (NBA Basketball Superstar)
Acttive Faith Wristband at personalyzed autograph jersey ang supresa ng Star Player ng Golden State Warriors para kay Pacquiao. Malaking moral booster ito para sa WBO Champ na puspusang nageensayo para sa laban niya sa undefeated WBC/WBA Welterweight Champion na si Mayweather.
Matatandaang nagsama na ang dalawa noong nagtungo si Pacquiao sa Bay Area, California para i-promotes ang laban niya kay Chris Algieri. Inimbitahan ni Curry si Pacquiao na maglaro sa team facility nila roon.
Stephen Curry (NBA Basketball Superstar)
http://www.warriorsworld.net/ |
Acttive Faith Wristband at personalyzed autograph jersey ang supresa ng Star Player ng Golden State Warriors para kay Pacquiao. Malaking moral booster ito para sa WBO Champ na puspusang nageensayo para sa laban niya sa undefeated WBC/WBA Welterweight Champion na si Mayweather.
Matatandaang nagsama na ang dalawa noong nagtungo si Pacquiao sa Bay Area, California para i-promotes ang laban niya kay Chris Algieri. Inimbitahan ni Curry si Pacquiao na maglaro sa team facility nila roon.
NESTLÉ BUTTERFINGER CUPS
Hindi lang mga sikat na mga tao ang nagpapaabot ng pagsuporta. maging ang isang sikat na kumpanya at produkto tulad ng Butterfinger Cups ay sumusuporta sa natatanging 8-Division Champ na si Pacquiao. pumusta rin sila ng $1,000,000 kay Pacman kontra kay Mayweather sa darating na "fight of the Millenium" sa May 2.
“We are proud to be in Manny’s corner and show our support of him in this fight of the century,” panayam ni Fabiola del Rio, Butterfinger brand manager.
“Manny represents a different kind of competitor, just as Butterfinger is a different kind of peanut butter cup, and different is good. Go Manny!”
Rasheda Ali (Daughter of Muhammad "The Greatest" Ali)
Walang pagsisidlan ng tuwa at saya ang sinumang boksingero kung malaman niya nasa panig niya ang tinagurian "The Greatest"
Ito ang panayam ni Rasheda Ali, anak ni Muhammad ali para sa team Pacquiao.
"My dad is Team Pacquiao all the way!. My dad really likes Manny. He's a huge fan of his. My dad stood for things. Mayweather ... I don't think there's a comparison. He knows Manny's a great fighter, but it's more about what he does outside the ring. He's such a charitable person."
Gaya ni Pacquiao si Mayweather ay mayroong ring charity instititution na sinusuportahan tulad ng Habitat for Humanity at marami pang iba. ngunit nasangkot siya at nakulong dahil sa domestic violence. madalas rin siya sa mga Strip Club at proud pa siya ipost ito sa social media. sa kanyang promo video ay mapapanood ang mga lalakeng nagpo-pot session sa loob ng gym at "dog house fight (15 rounds of sparring w/o a break)". ngunit depensa niya. ito raw ay scripted at parte ng promotional strategy. totoo man o hindi. mas magandang piliin ang hinahalimbawa ni Pacquiao para sa mga bata sa telebisyon o sa tunay na buhay.
Ilang araw makalipas, agad nilinaw ng former Undisputed Heavyweight Champion na si Muhammad Ali, na misquoted lang ang panayam ng anak niya at siya ay nanatiling neutral. dahil aniya ay hinahangaan niya kapuwa si Pacquiao at Mayweather.
Tim Tebow (NFL Superstar)
Tebowing |
Pinanganak sa Pilipinas ng missionerong mga magulang si Tim tebow. aktibong kristiyano at gaya ni pacquiao. nagdarasal muna siya bago sumabak sa laro. siya ang nagpauso ng Tebowing.
nagtungo siya sa Wild Card Gym sa Las Vegas upang personal na ipaabot kay pacquiao ang pagsuporta.
magpost rin siya sa instagram ng larawan kasama ang pambansang kamao
"Awesome being with my Filipino and Christian brother emmanuelpacquiao"
gabun din naman si pacquiao.
"Good to be with my brother in Christ @TimTebow"
Suporta kay Mayweather.
kung may sumusporta kay Pacquiao hindi pwedeng wala kay Mayweather. ang isa sa avid fans niya ay si JB.
Si Justin Bieber ay Sikat na pop/RNB singer, BFF ni Mayweather. ang hilig mang-agaw ng puwesto pag may photoshoot si Mayweather. parang mga politiko sa likod ni Pacman. Dating youtube sensation at ewan ko tinatamad akong igoogle tong canadian na nagpasikat ng awiting baby (baby, baby ooh 10x)
Bukod sa mga nabanggit sa itaas. marami pang sikat na personalidad sa buong mundo ang sumusoporta kay pacquiao. gaya ni Prince Harry ng Britanya, US Senator Harry Reid,
Ang pamosong Sportswear Company na Nike ay matagal nang sponsor ni Pacquiao, Ilan pa sa mga international company na sumoporta kay Manny sa mga naging laban niya ay ang Hennessy Cognac, Foot Locker, at HP.
Mark Wahlberg, Mario Lopez, James Caviezel(Passion of the Christ), Christian Bale(Batman), Anderson "Spider" Silva, George "Rush" St. Pierre Jeremy Lin, BJ Penn, Randy Couture, Cung Le(Vietnamese UFC Fightr), Gennady Golovkin, Daniel Radcliffe (Harry Potter), Kobe Bryant, Paul Gasol, at ang NBA Legend na si Karl Malone.
Sina Paul Pierce at Kevin Garnett na dating Boston Celtics Players na kung saan ay honoraree member si Pacman na may Jersey number 1 ay kapwa kilalang fans ng pambato ng Pilipinas. Ang Football Superstar na si David Beckham ay dumayo pa ng macao para mapanood ang "Pacquiao-Rios Clash" ito ang simula ng pagtupad ni Pacquiao sa pangako niya sa mga Fans na "Don't Worry, We Will RISE AGAIN".
Kahit ang mga dating karibal at katunggali ay naniniwalang si Pacquiao ang magwawagi. halimbawa na lang ay Erik "El Terrible" Morales, Marco Antonio Barrera, David Diaz at ang Trainer ni Marquez na si Nacho Beristain. Malaki ang puwang sa puso para kay Manny Pacquiao sa Mexico. Ayon sa The Greatest Mexican Champion Julio Cesar Chavez. bagamat kung siya ay pupusta, ang pera niya ay kay Mayweather pero kung ang dadamin niya ang masusunod. nais niyang magwagi si Pacman.
May mga ulat na maaaring si Canelo Alvarez Upcoming Superstar ng Mexico ay makakaharap ang tinagurian noong "Mexico's Public Enemy Number 1" na si Pacquiao
tanging paghanga ang isinagot ni Alvarez.
May malaking Fan Base naman si Pacquiao sa Puerto Rico. katunayan rito ang ilang Celebrities na nagpapa-autographed kay Manny. Maging ang Rapper/Singer na si Pitbull ay naitampok si pacquiao sa kanyang kanta na "Get It Started"
"Thriller in Manila, knocking them out like Pacquiao"Si Miguel Cotto rin na dating nakatunggali ni Pacman ay naniniwala na si Pacman ang magwawagi.
Bumisita rin sa Wild Card Gym ang American Evangelist na si Bill Graham. Bumisita na rin noon ang isa pang American Evangelist na si Rick Warren. Ito ay noong bago ang Pacquiao-Bradley I.
At noong Shane Mosley Encounter. Kasama ni Pacquaio si Jimi Jamison ng bandang Survivor at umawit ng kanyang entourage song na "Eye of the Tiger". Sa Pacquiao-Marquez IV. kasama ni Pacman ang Action Star na si Steven Seagal sa kanyang entourage. at muli, dumalaw ang kilalang American Actor at Martial Artist sa Wild Card Gym upang ipaabot ang walang sawa nitong paghanga. Autographed Boxing Gloves naman ang supresa ni Pacman sa kaibigan.
Ilan pa sa mga humahanga sa ating pambato ay si Beyonce Knowles at si Paris Hilton na nakabisita na rin sa Pilipinas at Pacman All the Day! habang nagdaraan ang mga araw ay parami ng parami ang nagpapa-abot suporta sa pambandang kamao. asahan pa ang mga balitang darating tungkol sa mga dumaraming taga-suporta ni pacquiao sa labas ng bansa.
kung ang mga dayuhan gaya nila ay naniniwala kay Pacman, nararapat lang na buo ang suporta at kumpiyansa natin na maiuuwi ni Pacquiao ang mailap na tagumpay. harinawa, maiwagayway niya ang bandila ng mahal nating Pilipinas!