Monday, March 16, 2015

Mayweather Versus Pacquiao in the Making ( 2009 - May 2, 2015 )


. Tuloy na talaga ang bakbakang Floyd "Money" Mayweather (47-0, 26 KO's ) ng Amerika laban sa ating pambansang kamao Manny "Pacman" Pacquiao. Ito ay makaraang i-post ng Undefeated American Fighter sa kanyang instagram ang pirmadong kontrata noong Pebrero 2,
Pagkatapos nito'y nagbigay ng maanghang na panayam si Mayweather na tinagurian ring "Pretty Boy".
"Pacquiao's gonna be my 48th" kilala si floyd sa pag-gamit ng mga trashtalks o mind games.
Matutuloy ang laban sa MGM Grand Arena sa Las Vegas, Nevada. sa Mayo 2 nitong taon.

Halos 5 taon na ang nakakalipas mula nang simulang manabik ang publiko sa Mayweather vs Pacquiao Fight na ayon sa marami ay ang "Fight of the Century".

year 2009, nagbalik sa ring si Floyd mula sa 21 month na pagretiro sa boxing. tinalo niya si Juan Manuel Marquez via landslide 12 round unanimous decision, noong Sept. 19, 2009. sa kabilang banda. patuloy ang pamamayagpag ni Manny, at ng kaparehas na taon. tinalo ni Manny si Puerto Rican superstar Miguel Cotto via round 12 TKO.
tumindi ang demand ng publiko sa bakbakang Manny versus Money.

ayon sa report. nais ni pacquiao matuloy ang laban nila ni Floyd sa marso 13 , 2010.
 ngunit. iginiit ni floyd na magkaroon ng Olympic-Style Drug Test na ang magsasagawa ay ang United States Anti-Doping Organization. Payag naman si manny basta 30 days bago ang laban at isa uling test pagkatapos mismo ng gabi ng laban.  sa kadahilanang, pakiramdam  niya ay manghihina siya kung kuhaan siya ng dugo.
ayon pa sa head coach ni manny na si Freddie Roach. hindi niya gustong makuhaan ng blood sample si manny sa loob ng isang linggo bago ang laban.
nag-usap muli ang dalawang kampo para maresolba ang di pagkakaunawaan.
pumayag ang kampo ni floyd sa 14-days before the fight . si pacman naman ay humiling ng 24-days before the fight. sa di pagkakaunawaan, hindi natuloy ang laban.

dahil sa pagtanggi ni pacman sa kahilingan ni floyd. panay pasaring nito sa media na "maaring may tinatago si Manny" sa kabila ng kakulangan ng ebidensiya. sa dami ng test, kahit kailan ay hindi pa nagpositibo si manny sa anumang Performace Engancing Drugs. na ang nagsasagawa ay ang Nevada State Athletic Commission.
dahil dito ay nagsampa ng kasong Defamation si manny. na may danyos perwisyos na nagkakahalaga ng 75,00 dollars. kasama sa mga sinampahan ay sina Floyd Mayweather, Jr.Floyd Mayweather Sr.Roger MayweatherOscar De La Hoya and Golden Boy Promotions CEO Richard Schaefer.

humanap naman si Top Rank boss Bob Arum na Promoter ni Pacquiao ng ibang kalaban. kabilang sina Former Champion, Paulie "magic man" Malignaggi at si WBA Light middleweight title holder Yuri Foreman.
ang napisil ng pacman team ay si former IBF Welterweight title holde Joshua Clottey ng Ghana.

matagumpay namang nadepensahan ni manny ang kanyang WBO Welterweight Title Belt at nagwagi via Round 12 UD. pagkatapos nito. iginawad ng Boxing Writers of America Association ang prestihiyosong "Fighter of the Decade" for years 2000-2009.

nagusap naman si Top rank boss Bob Arum at Richard Schaefer CEO ng Golden Boy Promotion.
pumayag na si manny sa 14 days before the fight drug test. tulad ng hinihiling ni Floyd. ngunit iginiit ni floyd na magkaroon na ng random drug test sa loob ng 14 days o kahit sa araw bago ang laban at pagkatapos ng laban.

June 12, 2010. ini-announce ni Legendary Oscar Dela Hoya na siyang Presidente ng Golden Boy Promotion na ang Mega Fight na inaasam ay malapit nang matuloy.

Jun 30, 2010. ini-announce naman ni TR Boss Bob Arum na nagkasundo na sa mga terms and agreements ang Top rank kung saan ay under si manny at ng Golden Boy kung saan under naman si floyd.
inihayag din niya na pumayag na si manny sa request ni floyd. ang kailangan na lamang ay ang prima ng huli.

July 15, 2010. binigyan ng ultimatum ni Arum si Floyd hanggang biyernes ng hating gabi. ng sumunod na araw ay nag lagay si Arum ng Countdown Timer sa Toprank.com para kay mayweather. may caption ito na "MONEY TIME: Mayweather's Decison".
July 12, 2010. ani ni Arum, walang naging tugon ang kampo ni mayweather.ang fight deal para sana sa November 13, 2010 ay na nadiskaril.

July 19, 2010.pinasunangalingan ni Leonard Ellerbe (Adviser ni Mayweather) ang nasabing fight deal na inahain ni Bob Arum. agad namang sinagot ito ng huli, ayon sa kanya kung ito ay hindi totoo bakit merong gag order. ang Gag order ay ang pagpapahintulot ng korte o nang gobyerno na maisapubliko ang isang deal o negotiation. pinuna niya rin si Dela Hoya at si Schaeffer ng karibal na Golden Boy Promotion sa pag deny ng nasabing fight deal. dagdag pa niya. binanggit di umano ni Dela hoya sa isang report sa HBO ang tungkol sa laban. "very, very close in finalizing the contacts" ani ni Dela Hoya.
sinabi rin ng Top Rank Boss na si Ross Greenburg ng HBO ang tumayong Mediator ng laban ngunit ang ayon naman kay Greenburg na umaming siya ang mediator. sinikap niyang ilakad ang inaasam na laban. ngunit hindi ito nauwi sa agreement. kabaligtaran ng panayam ni Arum at ng kampo ni Pacman. ang second negotiation na ito ay nabigo. si mayweather naman ay wala munang balak numalik sa ring.

July 28, 2010. kinumpirma naman ng Manager ni Pacquiao na si Michael Koncz na  hanggang ngayon ay di parin sumasang-ayon si pacman sa nasabing drug test. na nag-contradicts sa nasabing panayam nila Arum at kampo ni pacman

July 23, 2011. Haharapin ni Pacman ang isang pagsubok sa katauhan ni Mexican Tornado Antonio Margarito (38-6, 27 KOs).
nakasa ang laban nila sa Nov 13 2011. para sa bakanteng WBC light middleweight champion, 150 pound catchweight. Tinalo ni Pacman ang 5'11" heavy puncher na si Margarito via Unanimous Decision.
ito na ang kanyang ikasampung kampeonato. naukit naman sa kasaysayan ng boxing ang pangalang pacquiao bilang nagiisang 10th time world Champion in 8 different weight classes. bagay na wala pang nakagagawa hanggang sa ngayon maliban sa Pilipinong mandirigma.

via UD, kasunod niyang tinalo si Shane Mosley noong Mayo 7, 2011 upang madipensahan ang WBO welterweight belt.

samantala bigo naman siya at pinatawan ng Guilty verdict sa kanyang Domestic Violence case. ngunit iniuurong ng korte ang petsa sa june, upang bigyang pag-asa ang laban niya sa mayo. inaasam naman ng marami na sana ay matuloy na ang hinahangad ng lhat ----ang Mayweather vs Pacquiao.
sa isang post sa twitter. dinaan ni mayweather ang paghahamon na may kahalong trash talk.


"Manny Pacquiao I'm calling you out let's fight May 5th and give the world what they want to see," 
isang minuto makalipas,
"My Jail Sentence was pushed back because the date was locked in. Step up Punk."

ang dugtong ng boksingero.

Ngunit ayon kay Arum, ang perfect na date ay sa June 9 at hindi May 5 na gusto ni mayweather. at ayon din sa batikang promoter na isa ring mahusay na abogado maari nyang mailakad sa korte na payagang maiurong uli ang Jail Time Date para matuloy ang laban.

Ito naman ang reaksyon ni Leonard Ellerbe na adviser ni Mayweather.

 "You heard him,"
So Mayweather is now free until June 1 and intends to fight May 5. However, he is without a dance partner"
suspetya nila na si Bob Arum talaga ang pumipigil at ang dahilan kung bakit hindi matuloy ang laban

Di natuloy ang laban, sa halip. hinarap  ni Mayweather si Miguel Cotto  na nakasagupa narin ni Manny. May 5, 2011 naagaw ni Mayweather via UD ang WBA Super Welterweight Belt pati ang WBC Super Welterweight Diamond Belt kay Miguel Cotto ng Puerto Rico.


Muli namang nagkaharap sina Pacman at El Dinamita ng Mexico na si Juan Manuel Marquez (53-5-1, 39 KOs). naging dikit ang laban at sa huli ay nagwagi si manny via Majority Decision. hindi tanggap ng kampo ni Marquez ang kinalabasan. hiniling niya na magkaroon ng rematch at gawing no contest ang laban.

PACQUIAO VS MAYWEATHER NEGOTIATION
Hinayag naman ni Pacman na sang-ayon na siya sa dinedemand ni Floyd na Olympic Style Random Drug Test ng United Statse Anti-Doping Authority(USADA) at sa iba pang request ng karibal.
Bagamat nais ni Bob Arum na bigyan muna ng pahinga ng maghilom ang cut sa kilay na natamo ni Manny sa bakbakan nila ni El Dinamita. tumugon agad si Manny na wala ng problema, naghilom na at pwede na uli siyang sumabak.
Bukod kasi sa Drug Test isa rin sa pinagtatalunan ng dalawang kampo ay ang Venue. nais ni Floyd na sa Mecca of Boxing, MGN Grand Hotel and Casino matuloy ang laban tulad ng nakagawian. habang suhestiyon naman ni Bob Arum ay sa ibang Venue na mas malaki ang seating capacity na ipapasadya para sa inaasahang dagsa ng mga boxing fans. isa pa sa mga balakid ay ang "Boxing Cold War".
kung saan nahahadalangan nito na magharap ang Fighter ng Golden Boys Promotion at ng Top Rank Promotions. matatandaang may "bad blood" sa pagitan nina Dela hoya (GBP) at ni Arum (TR).

tumawag si Floyd Mayweather sa kampo ni Pacquiao. inalok niya ito ng $40 million guaranteed purse ngunit ang kita sa pay-per-view at live gates ay mapupunta lahat sa kanya. walang kukubrahin si manny maliban sa $40 million dollars. susog pa niya, ito ang pinakamalaking kikitain ni pacquiao sa buong boxing career niya. ngunit tumawad naman ng 50/50 split si pacman sa lahat ng kikitain. o kaya nama'y 55/45 at ang 55(lion share)  ay mapupunta sa mananalo.
mistulang counter punch naman ang inalok ni promoter Bob Arum kay Floyd.
inalok niya ito ng $50 million guaranteed purse at kay manny lahat ng iba pang kikitain. tulad ng nais ni floyd. wala nang kukubrahin si Mayweather liban sa 50 million dollars, kay manny na ang kita sa pay-per-view at live gates. ito rin ang pinakamalaking kikitain ni floyd sa buong boxing career kung sakali, ang hamon ni Arum. nabigo ang negotiation sa pagkakataong ito hindi dahil sa drug test kundi sa hatian ng kita.

sinisi ng kampo ni mayweather ang karibal sa pagkakadiskaril ng fight deal.

tinawag naman ni coach roach ang offer ni Mayweather na ridiculous o DEAL BREAKER. hindi ito patas dahil ang laban ay maaring sumipa hanggang $200 million o higit pa ayon sa mga Boxing Analyst.
kung sakali, malayo ang $40 million sa hinihingi ni pacquiao na $100 million na maaring kitain niya, kalahati ng $200 million.
kaya ang 40 million dollars na kita ay maliit at lugi para sa kahit kanino sa dalawa nina Manny o Money.

February 5, 2012. Dahil sa naunsyaming negosasyon. napiling makalaban ni Pacquiao si Timothy "Dessert Storm" Bradley (28-0 12 KOs). bagamat malinaw na lamang si Pacquiao nauwi ang resulta sa kontrobersiyal na Split Decision, naagaw ng Amerikanong si Bradley ang WBO welterweight belt. imbes na magreklamo, tinanggap na lamang ito ni pacquiao ng maayos kahit medyo napapangisi at di makapaniwala. hindi tulad ni marquez na nagwalkout sa ring noong huling laban nila pacquiao kung saan bato-basura ang inabot nila sa mga fans ni El Dinamita.

marami ang bumatikos sa naging pasya ng dalawang ring side judges na pumabor kay Bradley habang isa lang kay Pacquiao.
tinuring itong isa sa pinaka dimalilimutang robbery sa boxing history. agad gumawa ng independent na reevaluating ang pamunuan ng WBO . lima sa limang judges ay malinaw na pumabor na si pacquiao ang nagwagi. ngunit tanging ang Nevada State Athletic Commission (NSAC) lamang ang may kapangyarihang mabago ang resulta. Sa halip na ayusin ang desisyon, inatas ng NSAC na magkaroon ng agarang rematch.
lumamlam ang pagnanais ng mga Fans na matuloy ang labanang Pacquiao-Mayweather.
lalong nagkaroon si Mayweather ng dahilan upang di matuloy ang laban.
ayon sa kanya. ang talo ay talo.

December 8, 2012. pinagbigyan muli ni Pacquiao si Marquez sa pang-apat na paghaharap nila.
dooy binasag ni marquez ang mala-alamat na tibay ng panga ni Pacquiao. wagi si El Dinamita via Knock Out of the year 2012 sa huling segundo ng round 6 kung saan balak ng tapusin ni manny ang karibal.
naging The Ring 2012 Fight of the Year ang Pacquiao vs Marquez IV: Fight of the Decade.
mula sa paglamlam, tuluyang naglaho ang pag-asa ng mga fans para sa bigwasang Pacquiao vs Mayweather.


Don't Worry we will RISE AGAIN!!!
Halos isang taong nagpahinga si Manny. parang muli siyang nagsimula.
Nais ni TR Boss Bob Arum na palakasin ang sports na boxing. dinala niya ang comeback fight ni manny Pacquiao sa Macau, China. katunggali niya si American/Mexican Brandon "BAM BAM" Rios (31-1-0, 24 KOs). tinalo niya itong via unanimous Decision.
minaliit lamang ito ni mayweather. aniya si Pacquiao ay 1-2 win/lose run sa huling 3 laban habang siya ay 45-0 sa huling 45 na laban. tinawag din ni mayweather si pacman na laos na o Shot Fighter.

Nakarating kay Pacquiao ang panayam ni Mayweather. at sa isang ambush interview. Ito naman ang naging tugon ni Pacquiao;

"If I'm old, I'm a easy fight. fight me!"

Mahusay naman ang paghandle sa kanya ni Bob Arum at naikuha niya ito ng pagkakataong mabawi ang WBO Welterweight Belt na matagumpay na nadepensahan ni Undefeated Tim  "Dessert Storm" Bradley (30-0, 12 KOs) kina Russian Ruslan Provodnikov kung saan ang labanan nila ang naguwi ng The Ring 2013 Fight of the Year Award. naisahan niya rin Si El dinamita Marquez. kung saan hindi rin tinaggap ni Marquez ang pagkatalo at tinawag itong robbery.

April 12, 2014. Pacquiao vs Bradley : Vindication.
tinalo via UD ni Pacquiao si Bradley at naisaoli ang WBO Welterweight belt sa kanya. at muli lumakas ang panawagan ng publiko na matuloy ang labanang Mayweather-Pacquiao.

Sa kabila ng imprsibong panalo ni Pacquiao laban kay Bradley. minaliit naman ito ni Mayweather at tinawag ang dalawa na "amateurs".

'I think both fighters fought like amateurs' 

Dagdag pa ng Undefeated Champ.

'It was kind of crazy when I heard that, but like I said before, I don't see the same pop in Pacquiao's shots. Once again, I'm not saying this guy is doing anything, but I don't see the same snap in his shots. 
'He's getting tired when he wasn't getting tired before. I'm seeing something totally different whereas me, I'm still sharp, I'm still smart, I'm not getting fatigued. I wasn't getting fatigued from the beginning, and those are the things that I see. I don't know if you guys see it, but that's what I see.'

Imbes na tanggapin. sinisi uli ni mayweather si pacquiao. dahil sa pagtanggi sa 40 million dollar offer niya.

I have footage of Manny Pacquiao talking about what I offered him. I offered him $40m and I told him to accept that and we could talk about the rest. The Proof is in the pudding. He received $6m against Timothy Bradley and $8m in this one (against Juan Manuel Marquez). What guy wouldn't want to be in a position to take a loss for $40m? He could have made a lot more fighting me.

Dagdag pa sa balakid ay ang paglipat ng Cable Network ni Mayweather mula sa HBO /Time Warner papunta sa karibal nitong ShowTime ng CBS. pumirma si Mayweather sa 6 fights Contract nito sa Showtime. Habang ang mga laban naman ni Manny ay Tini-Telivise sa HBO.

panay pasaring naman ni mayweather kay manny sa social media. makikita sa kanyang mga post ang mga memes na pinagmukahng katatawanan ang pag ka KO ni marquez kay Pacman.

hinamon naman siya ni manny pacquiao na itigil na ang pakikipagsuntukan sa internet at magpakalalake, humarap na sa ring bagkus.

Ayon pa sa Undefeated Champ. lubog sa Tax Problem sa Pilipinas at USA si Manny kaya desperado itong makaharap siya (Mayweather). tinawag pa nga niya itong "Desperate Dog".

buwelta naman ni manny, Hindi ito dahil lang sa Pera. sa katunayan hinamaon niya si Mayweather sa isang "fight for Charity Event" kung saan ang perang makakalap ay mapupunta lang sa charitable institutions.

syempre hindi ito kinagat ni mayweather, matagal siyang nanahimik

Pinayuhan naman ni Coach Roach si manny na ituloy lang ang ginagawa. aniya hindi epektibo kay Mayweather ang pagiging Nice Guy Persona ni manny, napapanahon na upang atakihin ang ego ng amerikanong boksingero at baka sakaling lumaban na ito.

Nagsagawa ng Voting Poll si Mayweather sa kanyang website. tinatanong nito ang fans kung sino ang nais nilang makalaban ni mayweather; Si WBA Champion Marcos "Chino " Maidana o si Olympic Medalist Amir King" Khan ng Britanya ---Wala si Pacquiao sa listahan

Sa unang bugso ay nakakalamang ng malaki Maidana Ngunit sa huling sandali ay bumuhos ang boto para sa huli at nagwagi si Khan. sa kasamaang palad, napawalang silbi ang botohan.
May 3, 2014. napiling makalaban ni Pretty Boy Mayweather si Argentine Hitter Marcos "Chino" Maidana (35-3, 31 KOs). naging controversial ang laban at nauwi sa Majority Decision pabor kay Mayweather.
Hindi ito natanggap ni Maidana at ayon sa kampo niya. sila ang tunay na nagwagi. inereklamo rin nila ang pinagamit na gloves kay Maidana. Di umano ay mas makapal at nakabawa ng malaki sa punching power ng Argentine underdog. dahil dito nag karoon sila ng rematch.
Hindi pinalad si Pacquiao makakuha ng laban kay Mayweather, sapagkat natuloy ang Rematch ng huli kay Maidana. nagwagi siya via Unanimous Decision.



MGM Disrespect my Fighters---Bob Arum
Sa mismong ikalawang laban ni Pacquiao at Bradley noong April 12, 2014. mapapansin ang malaking posters at advertising signs  ng laban ni Mayweather at Maidana. ito ay nataon pa sa petsa ng laban ni Pacman.
April 12, 2014, Mayweather vs Maidana ang nakadisplay sa MGM Grand, kasagsagan ng laban ni Pacquiao at Bradley

Hindi nagustuhan ni Top Rank Boss Bob Arum ang ginawa ng MGM.
ayon sa kaniya ay isa itong pambabastos. dahil doon ay humanap siya ng ibang venue sa halip na MGM Hotel and Casino sa Las Vegas na tinuturing ding Mecca of Boxing. maaring Cowboys Stadium sa Dallas, Texas o kaya ay sa Venetian Hotel, Macau China.

Sa isang commercial ng Foot Locker, isang international sportswear retail, nakuhang indorser si Pacquiao. sa commercial ay makikitang may nag-uusap na dalawang lalake, akala ni Pacquiao ay pinaguusapan ng dalawa ang Megafight. akala rin niya ay pumayag na si Mayweather na lumaban.
"he's going to fight me, hest going to fight" nagsisitalon sa tuwa si pacquiao at pasuntok suntok pa sa excitement. isa itong paraan ng kampo nila manny na maudyok si mayweather na pumalag.

Nov. 23, 2014. Venetian Hotel, Macau, China.
Tinalo ni Pacquiao si WBO Light Welterweight Champion Chris "Real Rocky" Algieri. Nadepensahan  ni manny ang WBO Belt sa Welterweight Division sa 5'10" niyang kalaban.
Hindi man nauwi sa KO ang pagtatapos. 6 na beses naman niya itong pinagulong (knock Downs) at inamig lahat ng rounds sa panay takbong higante si Algieri hanggang sa UD Victory.


Kapwa sina Pacquiao at Mayweather ay nauubusan na nang katapat.
patuloy parin si mayweather sa pagta-trash talk sa social media.
tulad ng dati, ginagamit niya ang larawan at video ng KO footage ng laban ni Pacman kay Marquez.
hindi naman ito nagustuhan ni marquez. hiling ng mehikano na itigil na ang paggamit ng larawan o kaya ay labanan na niya(Mayweather) si Pacquiao. pagnagawa ni Mayweather ito ay payag na siyang gamitin ito hanggang magsawa pa.

Sa pagkakataong ito. Payag na si Manny sa Random Drug Test na request ni Floyd. payag rin si Manny sa mas maliit na parte ng hatian ng kita at payag siya sa lahat ng demands.
Ngunit Ayon kay Floyd na may bagong moniker na TBE (the Best Ever). The Best Excuses naman ang meaning ng TBE para kay Manny Pacquiao.
 hindi na siya (Mayweather) kailanman makikipagnegotiate kay Bob Arum na dati niyang promoter noong naguumpisa pa lamang siya.
kaya matutuloy lang ang laban aniya kung sakaling mawawala sa eksena ang Promoter ni Pacman.
ayon sa isang source. nag-offer si mayweather ng $10 million dollars kay Arum iwan lang si manny.
tumanggi si Arum.
Si Pacquiao naman ay nag-renew ng 2 year contract sa Top Rank Promotion.
Ayon kay manny, di niya mapapagbibigyan an

Nakipagusap naman si TR Boss Arum kay Leslie Moonves. Boss ng CBS na nagmamayari ng Showtime upang magkasundo at kausapin si Mayweather upang matuloy ang big time na laban. nais ni Arum na ipressure si mayweather na lumaban.
Matatandaang meron pinirmahang 200 Million Dollars 6-Fight Contract si Mayweather sa Showtime.
naka apat na laban na siya. narito ang listahan ayon sa wikipedia.com
Paalala: Ang wikipedia ay usergenerated na website, kaya ang mga ito ay malamang ay espekulasyon lamang ng mga netizens
Ayon sa datos sa internet makikitang pababa ang market value ng laban ni Mayweather. bumenta ng malaki ang laban niya kay saul alvarez. kung saan ka co-main event nila ang bagsakang Garcia vs Mathysse. ito ang second highest grossing in history sumunod sa Dela Hoya vs Mayweather (2.4 million buys).
3 out of 4 na laban ay di lalagpas sa 1 million buys o mas maaring mababa pa sa datos ayon sa ibang source. ito ang kinabahala ng boss ng CBS na si Moonves.

Mas kalunos-
lunos na naman ang Pay-per-view Buys ni Manny Pacquiao
Obvious ang pag bagsak ng PPV Buys ni Pacquiao tuwing lalaban siya outside ng US o hindi sa MGM.
ayon kay Arum, inaasahan na nila ang ganitong resulta sa tuwing dadalhin sa ibang bansa ang event.
ang dalawang laban niya sa Macau kina rios at algieri ay di umabot sa 500,000 buys habang 800,000 + naman ang kinita niya ng ginanap sa MGM Grand sa Las Vegas.


ITS NOW OR NEVER
Habang pinopost ni mayweather ang mga pinaghirapan niya, mga kotse, bag ng pera, private jet, shades, bling bling, strippersl at iba pang yaman mula sa pawis, dugo at luha ng boksingero.
si manny naman ay bumanat na rin sa social media. mga pasaring kay floyd at sa mga inaangas niya.
nagbunga naman ang batuhan ng pasaring sa internet at tumindi ang pananabik ng mga fans na matuloy na ang laban ng dalawang hari ng boksing.
May mga inside news na nagsasabing umuusad na negotiation. hindi  na problema ang network complict. dahil kung matatandaan, natuloy ang laban nina lenox lewis na nakakontrata sa Showtime at ni Mike Tyson na nakakontrata naman sa HBO. napanood ang Megafight na  Tyson vs Lewis sa parehong channel.

Hinayag naman ni pacman na pirma na lamang ni Mayweather ang kulang. Drug Test, 60/40 purse split, venue at iba pang demand ay aprub na sa Filipino Slugger.
Itinanggi naman ito ni Mayweather, aniya puro kasinungalingan ito ni Pacquiao at ni Arum.

May promotional offer sa Dubai, UAE kay mayweather na nagkakahalaga ng 200 million dollars. ngunit binawi rin ito nang wala silang matanggap na respond kay mayweather. hindi rin interesado o naakit si Arum sa offer ng UAE Based Promoters.

Mayweather Calls Out!!!
Hinamon ni Undefeated Pretty Boy Floyd Mayweather si Pacquiao muli sa isang interview.
"We are ready. Let's make it happen. May 2. Mayweather versus Manny Pacquiao. Let's do it," ani ni Mayweather. idinagdad pa niya na si Arum lang naman aniya ang humahadlang.

ngunit sa pagkakataong ito ay parang may duda ang publiko sa panawagan niya. lalo pa't umuugong na sa petsang ito nakatakda magharap ang dalawang superstar sa boxing, sina Canelo Alvarez ng Mexico at Miguel Cotto ng Puerto Rico. nagkaroon ng debate tungkol dito at hinala sa totoong intensyon ni Mayweather. ayon sa iba bakit kailangan kunin ni mayweather ang date na mayroon nang naka-okupa. para naman sa iba, kahit anong date matuloy lang ang laban.

lumakas ang pag-asa na matuloy na ang laban noong magkita ang dalawa sa halftime break ng NBA allstar game na ginanap sa American Airlines Arena na homecourt ng Miami Heat, sa Florida,
kapuwa nasa magkabilang parte nakaupo ang dalawa, nanonood.  sa widescreen ay naka-focus ang camera sa dalawa at may caption na "Coming in 2015?"





sa halftime ay tumayo si mayweather at nagtungo kay pacquiao, nagusap ng saglit at nagbigayan ng number. yahooo
nagsadya pa si mayweather sa tinutulyang hotel room ni pacquiao.
ito na kaya? matutuloy naba?
umaasa ang marami na sana nga.

lumalakas na ang kutob ng marami.
may mga sikat na celebrity at boxing afficionados ang advance na nag pareserba ng ticket. ayon sa isang source, si Manny Pacquiao ay nageensayo na. di pa man inaanunsyo ang laban. marahil ito ay sa hiling di umano ni Mayweather na hayaan siyang, siya na ang mag announce na tuloy na!

FEB 2, 2015. pagkatapos ng halos 6 na taong paghihitay. sa isang instagram post ni Mayweather makikita ang pirmadong kontrata.
tuloy na ang laban, mabilis na kumalat sa media ang balita.
15 minutes bago magpost sa instagram. fully booked na ang MGM at nagkakaubusan na ng ticket.
inaasahang tatabo ang megafight na tinagurian ding FIGHT OF THE MILLENIUM ng 300 million dollars o higit pa. itataya ni mayweather ang kanyang WBC, WBA, at The Ring Welterweight Belt habang si 8-division Champ Manny Pacquiao naman ang WBO welterweight Belt.
nakataya rin ang Number 1 Pound for Pound Slot na hawak ni Mayweather.
Sa Wakas.

No comments:

Post a Comment